Pages That Mention Don Juan Mamonong
Relación y otros instrumentos sobre el desacato que los naturales de Dongalo, pueblo de Parañaque, ejecutaron contra su Prior y Ministro
1
Ang comunidad nang lahat nang mañga caguinoohan sa tatlong manga visitas, Palanyag, Las Piñas, at San Nicolas, na may mañga firma dito, ang maalam somolat at ang di maronong somolat ypinamintacasi sa maronong na yfirma ang canilang panĝalan; Cami nagsisipaniclohod nang pospos na galang sa camahal-mahalang harapan nang nuestro muy reverendísimo padre provincial dito sa caniyang pagvivizita dito sa convento at simbahan nitong aming bayan at ang uica po namin; yquinahihiya, at yquinaâalapap nang aming manĝa ysip, at bait ang alborotong napasar nahayag sa lahat, na nacarating sa caniyang mañga mahal na tainĝa, na sa ngalan nitong bayang Palanyag, ang [uicari't haca] nang di nacatatanto nang bagay, ay cami casama ring lahat doon sa alboroto, na ytong bagai na yto, siyang nacapilit sa aming maghain cami nito, na bilang aming descargo, lalo pa doon sa ang uica'y nanhihinampo na caming manĝa taga-Palaniag sa aming dating Ama, at Pañginoon na manĝa padre augustino at cami hongmihingi sa ilustrísimo señor arsobispo nang ybang horden clerigo baga, na siang mag-administrar sa amin; doon sa hiñging yaon nang nanĝagsihinĝi hindi cami casama, at hindi pa ayon sa gaion canilang yniysip; condi ang dati na naming Ama at Panĝinoon na manĝa padre San Agustin na aming quinaguisnan capag [caracana] ang maalindog nilang pagcopcop at pagcacalinĝa sa canilang manĝa anac at alaga, na siya naming pinagcaquitaan nang totoong caliuanagan nang pananangpalataya sa Santísima Trinidad, na sila rin ang nacapag-alis nang bendang nacatataquip sa aming maporol na bait, na sa canilang matiagang pag-aral sa canilang manĝa predicaciones naguin maliuanag [nasula] sa aming maporol at maicling bait na manĝa caaua-auang tagalog dito sa bayan nang Palaniag. Na cami ualan sucat may ganti sa canilang pagaadministar sa gabi't, sa arao, na yto ang aming quiniquilalang malaquing otang; At ang bocod pa dito 'y ang pagtolong sa ycagagaling nang bayan na ang hindi macayanan nang canilang sariling cataoan, ay napatotolong at tinotolonĝan nang nang canilang pono at provincial na quinacalinĝang totoo; caya sa aming pañginoon nuestro muy reverendísimo padre provincial hinihinĝi nami't; ynaamo [am] na huag caming ypaquidamay sa galit, at hinanaquit sa manĝa di congmiquilala dito sa madlang mañga caotanĝan na aming nasabi na sa ytaas nito ang hinĝi [nami' i] ampon, at misericordia etc Don Juan Mamonong